December 25, 2024

CHINA NAG-DONATE NG
P10-M SA MGA BIKTIMA
NG ‘AGATON’

Nag-donate ang China ng higit sa P10 milyon na tulong sa Pilipinas para sa mga biktima ng bagyong Agaton.

“(The) Chinese government has also decided to provide $200,000 USD (around ₱10.2 million) cash assistance to the Philippines to support the disaster relief efforts of the Philippine government and the Filipino people. We wish all those affected could overcome the difficulties and rebuild their homes at an early date,” ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa kanyang Facebook page.

Sinabi rin niya na nagpahayag ng pakikiramay at pakikiisa sina Chinese President Xi Jinping, State Councilor and Foreign Minister Wang Yi kina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

Umabot sa 172 ang nasawi sa bagyong Agaton sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.