January 23, 2025

CHINA LAYAS SA PANATAG SHOAL NOW NA, GIIT NG DFA

IGINIIT ng Department of Foreign Affairs na dapat na umalis ang mga Chinese vessels sa Panatag Shoal o mas kilala sa tawag na Scarborough Shoal at bisinidad nito sa lalong madaling panahon.

Pina-summoned ng DFA si Chinese Embassy of Manila Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong para pagpaliwanagin sa nangyaring pinakahuling pag-water cannon sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza, nagprotesta ang gobyerno ng Pilipinas sa panibagong pagha-harass, pagbangga at pagtira ng water cannons, gayundin ang agresibong aksyon ng China Coast Guard at ng Chinese Maritime Militia sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa lamang ng supply mission.

Sa nasabing pangyayari, nagtamo ng pagkasira ang PCG vessel na BRP Bagacay at ang BRP Bankaw ng BFAR dahil sa pag-atake ng Chinese Coast Guard gamit ang water cannon. Una nang kinastigo ng mga senador at mga kongresista ang panibagong pangha-harass muli ng China sa mga barko ng Pilipinas na naghahatid lamang ng ayuda sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc.