May 17, 2024

BOSTON BINIGO ANG HEAT TUNGO SA EAST SEMIFINALS

NAIGANTI na ng Boston Celtics ang kanilang pagkatalo sa East finals loss sa Miami Heat noong nakaraang taon.

Kinumpleto ng C’s ang resbak, NBA-best pagkatapos ng regular season bago kinalos sa first-round ang No. 8 Heat 4-1.

Naglista ng tig-25 points sina Jaylen Brown at Derrick White at ibinagsak ng Boston ang series-ending win 118-84 sa Game 5 sa TD Garden nitong Miyerkoles (Huwebes/PH time).

Haharapin ng Celtics sa second round ang winner ng Cleveland-Orlando series. Abante ang Cavaliers 3-2, host ang Magic ng Game 6 ngayong Sabado (araw sa Manila).

Sa Game 5, wala nang umabot ng higit 35 minutes sa starters ng Boston. Umayuda ng 16 points, 12 rebounds si Jayson Tatum, may 10 points, 6 rebounds, 5 assists si Jrue Holiday. RON TOLENTINO