INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang Chikiting Ligtas 2023 bilang bahagi ng misyon nito na magbigay ng malusog na pangangatawan ang pamilyang NavoteƱos.
Maging ang maskot ng Navotas na si Avot John, ay protektado na ngayon mula sa mga sakit na maiiwasan sa bakuna!
Bilang biro, binakunahan ni Mayor Tiangco si Avot John sa pagsisimula ng Chikiting Ligtas 2023, ang nationwide supplemental immunization drive ng Department of Health laban sa tigdas, rubella, at polio.
Ipinahayag naman ni Tiangco ang kanyang suporta sa kampanya at hinimok ang mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak mula sa mga sakit na lubhang nakakahawa, ngunit madaling maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna at tiniyak din niya sa mga magulang na ligtas at epektibo ang mga bakuna.
Dumalo rin sa kick-off ceremony sina Department of Health Metro Manila Center for Health Development Regional Director Dr. Aleli Annie Grace P. Sudiacal, Assistant Regional Director Dr. Pretchell Tolentino, at Malabon-Navotas Medical Society President Dr. Lorenzo Bernardino.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan