NAGAGALAK si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta kaugnay sa resulta ng survey ng Pulse Asia patungkol sa popularity ratings ng matataas na opisyal ng pamahalaan kamakailan lang.
Sa naturang survey, nakakuha ng 91percent ang Pangulong Duterte; 57 percent si Vice President Leni Robredo; 70 percent si House Speaker Alan Cayetano; 84 percent si Senate President Tito Sotto; 44 percent si Chief Justice Diosdado Peralta.
Ayon sa Chief Justice, natutuwa siya dahil kahit hindi siya kilala ng mga mamamayan, ay nakakuha pa rin siya ng positibong approval rating.
Binanggit din ng Punong Mahistrado na silang mga mahistrado ng hudikatura ay pawang appointed na opisyal kaya hindi sila gaano kilala ng publiko.
Gayunpaman, nakapokus ang Chief Magistrate sa mga reporma sa hudikatura upang higit na mapaglingkuran ang sambayanan.
Nabatid kay Supreme Court Spokesman, Atty. Brian Hosaka na mas binibigyan ng panahon ng Chief Justice na makitang epektibo ang mga pinalalabas na rules and circulars na inimplemento sa unang taon niya bilang pinuno ng hudikatura.
Kabilang dito ang panuntunan sa panahon ng COVID-19 pandemic upang matiyak na maaari pa ring dumulog sa korte ang publiko.
Sa Oktubre 23, unang taon ni Peralta sa puwesto, ay magkakaroon siya press conference sa media upang ilahad ang estado ng kanyang 10-point agenda.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA