BRADENTON, Fla. (AP)- Bumida sa panalo ng Minnesota Lynx sa Chicago Sky, 83-81 si Napheesa Collier sa pagbuslo ng 20 points sa new season ng WNBA.
Umiskor ng 10 sa last quarter si Collier at humablot ng 10 rebounds. Nag-ambag naman ng 14 si Damiris Dantas at Rachel Banham ng 13. Tumulong din si Sylvia Fowles sa pagbuslo ng 10 puntos at 7 rebounds sa Lynx (2-1).
Samantala, kumamada naman si Azura Stevens ng 16 points at 11 rebounds sa Sky (2-1). Nagdagdag naman si Cheyenne Parker ng 16 points at 10 boards.
Humabol ang Sky mula sa kalamangan ng Lynx sa pagrekta ng 10-3 run, 79-74. Naibuslo ni Stevens ang tres may 1:41 na lang sa huling kwarter at naibaba ang lamang sa 5 mula sa 12.
Naging krusyal ang laro at naibaba ang lamang sa 2. Ngunit, nakatakas ang Lynx nang magmintis ang 2 layups ni Courtney Vandersloot sa huling 7 seconds sa Sky.
Nais sanang mairekta ng Sky ang laro sa overtime ang 83-81 iskor. Ngunit, sumablay ang alley-oop ni Gabby Williams kasabay ng buzzer.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT