
Nangibabaw ang Chicago Bulls kontra Milwaukee Bucks sa pasiklaban ng suwagan sa 2022 NBA Playoffs. Pinatumba ng suwag ng Bulls ang Bucks, 114-110 sa Game 2 ng East Round 1.
Lumagare si DeMar DeRozan para sa Chicago ng 41 points at 7 boards. Nag-ambag naman si Nikola Vucevic ng 24 points at 13 rebounds. Habang si Zach LaVine naman ay pumukol ng 20 points at 3 assists.
Sa panig naman ng Bucks, pumoste si Giannis Antetokounmpo ng 33 points. Samantalang 25 points at 6 boards naman ang produksyon ni Brook Lopez. So Khris Middletone naman ay nagtala ng 18 points at 8 assists.
Napag-alaman naman matapos ang laro na nagdanas si Middletone ng injury. May iniinda itong spained MCL sa kaliwang tuhod.
More Stories
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort
PBA Season 49: Ginebra vs Meralco, TNT vs NorthPort—Laban para sa Quarterfinals
Tiauson sa Bulan, Sorsogon kampeon sa Open Rapid chess tournament