November 3, 2024

CHECKMATE SA ROUND 1, PERO MARAMI PANG ROUNDS!

Magandang araw mga Ka-Sampaguita. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Masyado tayong na-entertain nitong nagdaang mga araw. Bakit? Para kasing teleserye ang deadline ng pagfile ng COC sa COMELEC.

 Talagang inaabangan. Lalo na ang kung ano ang tatakbuhan ni Pangulong Duterte. Ika nga, Bise Presidente ba at babanggain ang kanyang anak? Excited ang lahat at hinintay ang petsang Nov. 15, 2021.

Gayunman, lumutang ang katotohanan. Lahat ay isang taktika upang di mabasa ng kabila. Natural ito sa isang laban, lalo na sa larong chess. O kahit saan mang aplikable ang prinsipyo ng pilosopher na si Sun Tzu.

Bagama’t may nababasa ng kaunti ang kanilang katunggali, may palaisipan pa rin. Anong piyesa ang susunod na ititira? Masasabi nating isang tactician sa Pres. Duterte rito. Batid ito ng kanyang mga suporters. Checkmate ika nga. Kumbaga sa boxing, tapos na, knockout na!

Sa bandang huli, tapos na ang unang yugto ng serye ng halalan. Na una na nga rito ay selyado nang filing of candidacy. Opisyal na ang trambalan nina Presidential aspirant Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Pagka-senador naman ang tinakbo ni Pangulong Digong. Pero, may iba pang yugto na kailangang paghandaan. Ikalawa, ang mga pukulan hanggang sa panahon ng campaign. Ikatlo, sa mismong halalan. Ikaapat ang resulta nito pagkatapos.

Marami pa tayong aabangan. Hindi pa ito ang pinaka-masters chess tournament. Round 1 pa lang ito. Kaya, marami pang dapat bauninng piyesa ang mga kandidato.Adios Amorsekos.