
Memorable kay Charles Oliviera ang kanyang unang pagdepensa ng kanyang UFC lighweight title. Tinalo ng Brazilian fighter ang matikas na si Dustin Poirier. Ang laban ng dalawa ay siyang main event ng UFC 269 sa Las Vegas.
Nanalo si Oliveira (32-8) via stoppage sa 1:02 mark sa third round. Kung saan, napilitang magsubmit si Poirier (28-7) sa ginawang standing rear-naked choke. Nadagdag ito sa kanyang UFC submission record na 14. Ito rin ang kanyang ika-10th straight win sa UFC.
Naging makapigil hininga ang unang round. Kung saan ay nagpatama si Poirier ng matitinding bira.
Ngunit, mas komunekta ang ront kicks at knees ni Oliveira sa torso ng kalaban. Na naging resulta ng unti-unting pagkawala sa wisyo ni Poirier.
Sa third round, nagawang itumba ni Oliviera ang katunggali. At mula rito, pinaulanan niya ito ng sunod-sunod na siko sa mukha.
“I’m world champion. I’m the man. They talk, I do it,” ani Oliviera.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo