December 20, 2024

CHAMP CHARLY SUAREZ ASIA’S MODERN HERO AWARDEE

GINAWARAN bilang isa sa Asia’s Modern Hero si Olympian at boxing champion Charly Suarez tatlong araw matapos ang kanyang matagumpay na laban sa Australia noong nakaraang Miyerkules kontra dating undefeated Aussie boxer na si Pul Fleming.

Si Suarez na tinatayang magiging ganap na kampeon sa daigdig ay naiuwi ang mga titulong international ay ginawaean ng parangal ng prestihiyosong award giving body sa ginanap sa The Okada ,Manila kamakalawa.


“Thanks everyone sa tiwala ,suporta at prayers.God bless po,”sambit ni Suarez sa kayang acceptance speech.


Sa nabanggit na  laban ni Suarez sa New South Wales ,mabuti na lang hindi nakuntento sa unanimous decision ang ating kampeong si Charly Suarez na dumayo pa sa lupain ng mga puti Australia para sa kanilang title fight ni Paul Fleming na tulad niya ay undefeated ang pro- records.


Si dating Pinoy boxing Olympian na si  Suarez ay umakyat ng ring na may makinis na record 14-0 , 8 dito ay  knockouts habang ang Ausralianong kabangasan ay may  28- 0,18 ang naipanalo via KO’s kung kaya match ang dalawang protagonusta na di pa nakatikim ng talo. .


Dikdikan ang laban mula aa opening bell kung saan ay alam ni  Suarez na lamang siya sa scorecards.


Pero di kampante ang kanyang korner kaya sabi nila ay kailangan ni Charly ng isang matinding  sapul para matulog ang kalaban kundi ay uuwi silang luhaan dahil puro pabor ang mga judges sa scorecards,103- 108,102-107 at  101-108 sa UD natapos ang laban  ke Fleming  na malinaw na lutong makaw ng mga hurado  sa ‘down under’,


Dahil sa knockout win, naisukbit ni Suarez ang championship belts sa mga  kategoryang IBF at IBO Inter-continental super feather, WBA Oceania super feather,WBC Asian Boxing Championship super feather at IBO World title eliminator.


Susi ni  champ Suarez sa kanyang laban kontra Fleming ay ang marubdob na training nito sa Fort Boni na personal na kinober ng reporter na ito.


Regular routine at wala siyang reklamo kahit sobrang haba ng ensayo katuwang si coach, trainer, manedyer Boholst kaya nga ang lakas ng kanyang stamina kahit nasa final round na ay ganoon pa rin kalakas ang kanyang puwersang kaya pang magpatog ng kalaban.