January 23, 2025

Cebu City Councilor Antonio Cuenco namatay sa COVID-19


PUMANAW na si Cebu City Councilor Antonio Cuenco dahil sa komplikasyon sa COVID-19 sa edad na 84.

Kinumpirma ng pamilya ang pagkamatay ni Cuenco sa media sa isang pahayag kagabi.

“My family and I wish to let you know that my father, Councilor and former Congressman Antonio Veloso Cuenco, has succumbed to the lethal effects of the COVID19 virus,”  ayon sa kanyang anak na si James Cuenco.

“It happened so fast and has left us very shocked to realize that the good man that we have had the opportunity to have as our father (with my siblings Ronald, Antonio Jr and Cynthia) and a good husband to my mother, Nancy, is gone.”

Ayon kay James nakaranas ng bahayag  pag-ubo at lagnat, kaya hinikayat siya ng pamilya na sumailalim sa test para sa virus noong June 18.

Dumalo pa si Cuenco sa kanyang huling city council session noong Huwebes, June 25, via Zoom.

“There will be time enough to remember the many things that he dedicated his life to, for our country and for our beloved city,” ayon kay James.

“But for now, I wish to request that we be given our space to lay him to rest and to grieve in his untimely passing.”

Unang taon pa lang ni Cuenco para sa kanyang unang termino bilang city councilor bago siya pumanaw.

Nagsilbi rin siya bilang representante ng 2nd District ng Cebu noong 2001 hanggang 2010.

Mula 1965 hanggang 1969 siya ay naging representante ng 5th District ng Cebu at isang Mambabatas ng Cebu City sa Batasang Pambansa mula 1984 hanggang 1986.

Kabilang rin siya sa mga political leaders na matapang na opisisyon sa Cebu City na tumindig laban sa diktaduryang Marcos.

Tinulungan din ni Cuenco na itago ang presidential candidate na si Corazaon Aquino noong Pebrero 1986 sa Cebu City, palayo sa Maynila na nagkakagulo  dahil sa EDSA People Power Revolution. Sa ilalim ng pangangalaga ni Cuenco, nagtago si Aquino sa Carmelites Monastery.

Si Cuenco ay may asawa at apat na anak.

Si Cuenco rin ang ikatlong politiko sa Cebu na timaan ng virus at unang namatay dahil sa kompilkasyon nito. Una ng kinumpirma  na nagpositibo rin sa virus sina Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan at Daanbantayan Mayor Sun Shimura.

Ang Cebu City ay ang kasalukuyang may pinakamataas na bilang ng kaso sa Pilipinas na may 4,831 na COVID-19 cases. Umabot na sa kabuuang 34,803 ang naitalang kaso sa Pilipinas nitong Sabado.

Mayroong 738 infection ang naitla. Habang 12 ang namatay, dahilan para umabot sa 1,236 ang kabuang bilang ng nasawi sa COVID-19.