November 3, 2024

CDC lumikha ng eco-friendly na library

ECO-FRIENDLY LIBRARY. Ang Clark Development Corporation (CDC) sa pamamagitan ng kanilang Environmental Permits Division (EPD) ay lumikha ng kanilang environmental library na may biophilic design. Ang library ay binubuo ng furnishes at material na gawa sa napulot na mga kahoy. Hindi lamang ito para sa mga empleyado ng CDC kundi maari rin itong gamitin ng mga researcher at trainees. (CDC-CD Photo)

UPANG maisama ang mga elemento ng kalikasan sa lugar ng pinagtatrabahuhan, nilagyan kamakailan lang ang isa sa mga tanggapan ng Clark Development Corporation (CDC) ng “environmental library.”

Layunin ng misyon ng Environmental Permits Division (EPD) ng CDC na makapaglaan ng kaaya-ayang working area na mapapakinabangan ng mga empleyado at stakeholders.

Dahil naging inspirasyon ang konsepto ng library ng Asian Development Bank, pinursige ni CDC-EPD Manager Rogelio Magat at ng kanyang staff ang paglikha sa nasabing pasilidad.

Nabanggit din ni Magat na ang naturang aklatan ay hindi lamang inilaan para sa mga empleyado dahil puwede rin itong gamitin ng mga researcher at trainees na nais mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa environmental developments at concepts. Maari ring magsagawa ng pagpupulong ang maliliit na grupo at technical conferences sa nabanggit na lugar.

“The idea behind this environmental library is for the researchers to have a place to do their thing and the concept for this library is adapted from the ADB library. This is also based on new developments and environmental concepts. It’s also a very good place when we conduct technical conferences and meetings,”  saad niya.

Ang mga libro, laptop at iba pang mga materyales na idinonate ng ADB ay magagamit din sa aklatan.

Bukod pa rito, kakaibang materyales din gawa ang mga lamesa at upuan.

“The table here was made from recovered wood. It came from devastated and damaged trees in Clark and was made from acacia trees. CDC was able to save and did not spend on this. We just requested one of our volunteers to donate this to us,” dagdag pa niya.

Aniya pa na ang eco-friendly facility ay hindi lamang para sa trabaho subalit ito rin ay nakatutulong sa pagtataguyod ng kanilang adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan at mapanatili ang pag-unlad.

“This is a good place to discuss things and aside from that, through this library, we can also share advocacies and presentations related to the environment,”  saad niya.