December 26, 2024

CDC EXEC KINILALA BILANG OUTSTANDING ALUMNUS NG MAPUA

MIT’s OUTSTANDING ALUMNUS.  Tinanggap ni Clark Development Corporation (CDC) Environmental Permits Division (EPD) Manager Rogelio Magat (ikalawa sa kanan) ang plaque of recognition bilang Outstanding Almunis sa larangan ng environmental engineer mula sa Mapua Institute of Technology (MIT) Alumni Association. Iniabot ni MIT CE-EnSE Alumni Association Inc. President Engr. Adam Abinales (kanan) kasama si  1st Vice President and Homecoming Chair Engr. Jose Fernandez III (ikalawa sa kaliwa) at MIT CE-EnSE Director Engr. Cecilio B. Espino II (kaliwa) ang award kay Magat. (Photo courtesy of R. Magat)

Kinilala kamakailan lang ang isang executive ng Clark Development Corporation (CDC) ng Mapua Institute of Techonology (MIT) Alumni Association bilang outstanding alumnus pagdating sa evnvironmental engineering.

Sa ginanap na 32nd Grand Alumni Virtual Homecoming na inorganisa ni MIT Civil Engineer-Environmental Sanitary Engineer (CE-EnSE) Alumni Association Inc., kinilala si Engr. Rogelio Magat, manager ng CDC Environmental Permits Division (EPD), dahil sa pagpapakita ng “kahusayan at integridad sa kanyang napiling larangan ng pagsisikap na nag-ambag sa kapakanan ng kanyang propesyon, komunidad, at bansa.”

Iginawad nina MIT CE-EnSE Alumni Association Inc. President Engr. Adam Abinales at 1st Vice President and Homecoming Chair Engr. Jose Fernandez III ang naturang award kay Magat.

Sa maikling talumpati, nagpahayag ng pasasalamat si Magat sa natanggap na award at inialay niya ang kanyang tagumpay sa kanyang pamilya at mga kasamahan sa CDC.

“I want to share this award to my family including the CDC family, Team-EPD, friends, and fellow environmental stewards for their full support, especially CDC management. Without their support, we can only do a little. They let me and my team spread our wings to cover as much as we can to fight the negative effects of Climate Change. I do hope that these recognitions will serve as an inspiration to others – if my work can make a difference, so can yours,” wika niya.

Mayroong dalawang lisensiya si Magat bilang engineer. Siya ay isang certified civil engineer gayundin ang pagiging registered environmental at sanitary engineer. Nagtapos siya sa MIT na may bachelor’s degree sa civil engineering noong 1989 at iba pang degree sa environmental at sanitary engineering noong 1990. Sa parehong taon, ipinasa niya pareho ang Board Examimations para sa kanyang mga degree.

Bilang manager ng CDC-EPD ay kanyang pinamunuan at pinasimulan ang iba’t ibang programa para mapangalagaan ang kapaligiran sa Freeport. Kabilang na rito ang “Ban on Single-Use Plastics and Promotion on the Use of Environment-friendly Alternatives,  ang Accreditation Program for the disposal of Hazardous and Non-Hazardous Wastes, the Development of Urban Forests, CDC Hybrid Eco-Park at iba pa.

Isa rin siya sa mga nagsusulong para sa pagbuo ng Sacobia Watershed Management Council, at bilang isang malakas na tagasuporta para sa paghikayat sa mga LGU sa Central Luzon na magdaos ng Recyclables at Hazardous Waste Collection Events.

Isang tunay na tagapagtaguyod ng pangangalaga sa kapaligiran, siya ay kaanib sa iba’t ibang mga organisasyon na nakatuon sa pangangalaga sa kapaligiran, pagpapanatili, at pag-unlad. Kabilang dito ang Philippine Society of Sanitary Engineers, Inc. (PSSE) at ang Environmental Practitioners Association of the Philippines (EPA) bukod sa iba pa. Nagsisilbi rin siya bilang isang life-long adviser ng EPA pagkatapos matapos ang kanyang 3-taong magkakasunod na termino bilang Pangulo. Mula noong 2016, nagsilbi siya bilang National Director ng PSSE. Kamakailan, kinilala rin siya bilang “Fellow” ng PSSE noong 2021 Annual National Convention nito.