
PAANONG nilaglag siya ni Darren Espanto? Dahil nang mag-guest sila sa show ni Kuya Boy Abunda sa ‘Fast Talk,’ si Cassy Legaspi mismo ang unang nagsabi na ‘best friends’ lang sila ni Darren Espanto.
Kaya hindi mo masisisi si Darren, na magsabi ng totoo ng tanungin na patukso dahil ni lilink siya kina Jillian Ward at Kyline Alcantara.
“Naloka nga ako dahil hindi naman sila mag-dyowa, kung maka-cryptic posts silang mag-ina [Cassy and Carmina Villarroel] wagas.
“Gaya na lamang ng cryptic post ni Cassy na ganito, ‘Cause hurt people hurt people, that’s a known fact?’ gayung una siyang naglaglag.
“Kaya siguro sila nag-react na mag-ina, dahil damay si Kyline Alcantara na naging dahilan para masaktan si Mavy Legaspi.
“Kaya binanatan nila si Darren at, mukhang ginagamit ng mag-ina ang isyu para pag-usapan si Cassy dahil wala na itong dating sa showbiz
kahit nali-link pa siya kay Michael Sager,” puna ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”
MGA ILLEGAL NA TINDAHAN, VIDEOKE AT EATERIES SA MATABUNGKAY BEACH, IPAPAGIBA NA NG KORTE SUPREMA