January 23, 2025

CASSANDRA ONG PINALAYA NG HOUSE QUAD COMM

PINAKAWALAN na ng House of Representatives si Cassandra Ong, ang 24-anyos na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operator (POGO) na sangkot umano sa scam hub sa Porac, Pampanga, na nakulong ng halos apat na buwan matapos ipa-contempt.

Ipinag-utos ng quad committee na bawiin ang kasong contempt laban kay Ong noong Disyembre 12, sa huling pagdinig. Napagpasyahan na bawiin ang kaso sa kanya dahil sa mental health problems dulot ng pagkakakulong sa Correctional Institute for Women (CIW), isang pasilidad para sa mga convict.

“I just signed earlier an order addressed to the CIW to release her, so maybe tomorrow (she will be freed),” ayon kay quad committee chairperson Representative Ace Barbers.

Mahalaga ang naging papel ni Ong sa POGO network sa Porac, Pampanga at sa ni-raid na scam hub sa Bamban, Tarlac na may kaugnayan kay dismissed mayor Alice Guo, pero patuloy niya pa rin itong itinatanggi sa mga isinagawang pagdinig.

Subalit lumalabas sa mga dokumento na si Ong ay ang representative para sa POGO licensee sa Porac, at registered officer ng leasing company. Inilarawan din siya bilang isang uri ng middle manager doon. Ang kanyang kasintahan ay kapatid ni Guo.

Pero ayon kay Barbers, “wala na kaming makukuhang iba pang information and what she has said before the committee is sufficient enough for us to write our committee report.”


Inilipat si Ong sa CIW nitong katapusan ng Setyembre bilang estratehiya para ikanta niya ang kanyang mga boss, at inalok ng witness protection. Hanggang sa huli ay pinatunayan niya hindi siya dummy. Nahaharap siya sa multiple complaints ng human trafficking at money laundering, na naka-pending pa rin sa prosecutors.

Kung walang resolusyon sa mga iyon, makakamit niya muli ang kalayaan hanggang at maliban kung siya ay kakasuhan at pagkatapos ay iutos na arestuhin tulad ni Guo.

Binawi rin ng komite ang contempt charge laban kina Tony Yang, ang nakatatandang kapatid ng dating economic adviser na si Micheal Yang na itinuturong arkitekto ng shady Chinese network. Gayunpaman, mananatiling nakakulong si Yang dahil sa immigration charges. Una siyang naghain ng medical furlough.

Binawi rin ng komite ang ilang contempt charges, maliban kay dating spokesperson Harry Roque na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita simula ng ipinag-utos ng Kamara ang house arrest laban sa kanya.

Kinumpirma na nasa abroad si Roque at lumagda sa kanyang counter-affidavit sa United Arab Emirates.

Ayon kay Barbers magtatagal ang contempt charges ay tatagal hanggang matapos ang hearings. Magpapatuloy ang kanilang pagdinig hanggang sa kalagitnaan ng Enero.

Nahaharap din sa reklamo si Roque dahil sa human trafficking at money laundering dahil sa kanyang naging papel sa Porac POGO – na tumulong kay Ong para makipagpulong sa Philippine Amusement and Gaming Corporations upang ma-renew ang kanilang gaming license.

Ayon kay Barbers, mayroon pang tetestigo para makadagdag sa kanilang impormasyon sa POGO, pero hindi na ito nagbigay pa ng karagdagang detalye.

 “It’s an entirely new information, so we’re trying to assess and probably a witness will come out,” ayon kay Barbers.