November 24, 2024

CASH FOR WORK PINILAHAN NG MGA APLIKANTE

Umabot sa 326 SPED students ang nakatanggap ng calamity financial assistance na ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco na nagkakahalaga sa P1,000. Sa bilang na ito, 307 ay mga elementary, lima ay high school, at 14 ang mga college students. (JUVY LUCERO)

GABI pa lamang ay pumila na sa harap ng Comelec Navotas Office ang mga Navoteñong mag-aaplay sa cash for work program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

Ito’y sa kagustuhan ng mga aplikante na matanggap sila sa naturang programa ng lungsod para sa karagdagang kita ngayong panahon ng pandemya.

Nasa 1,500 jeepney drivers at maralitang residente ang kukunin para sa Cash for Work program ng DSWD.

Ang mga cash for work beneficiaries ay maglilinis sa mga barangay,  magtatanim at iba magsasagawa ng iba pang aktibidad para maibsan ang epekto ng climate change. Sila ay tatanggap ng P4,050  matapos ang 10 araw ng trabaho.

Maaari lamang mag-apply ang mga Navoteño na edad 22–59, maliban sa mga buntis, hanggang Agosto 28.

“Many lost their jobs due to business closure or downsizing. That is why we look for ways to lessen the impact of the crisis in our city and on our people,” pahayag ni Mayor Toby Tiangco.

Samantala, personal na namahagi si Navotas Cong. John Rey Tiangco ng 350 smart phones sa DepEd Division of City Schools, Navotas bilang suporta sa kanilang SOS o Support Our Students Program.

Ang SOS ay isang tawag ng bayanihan para mapunan ang mga pangangailangan sa distance learning ng ating mga K to 12 learners sa ating lungsod.

Ani Cong. Tiangco, gadgets gaya ng smart phones, tablets, computers, internet at call cards, mga notebooks, lapis, ballpen, at gunting ang ilan po sa mga kinakailangan ng mga K-12 learners. Mapapakinabangan at mapaglilibangan din nila ang mga lumang libro at iba pang mga reading materials na inyong mababahagi.

“Ano mang kabutihang loob na inyong maipagkakaloob ay malaking tulong po sa kabataan ng Navotas. Sa mga nais magpaabot ng suporta, makipag-ugnay po lamang kayo sa DepEd Division of City Schools ng Navotas”, panawagan ni Cong. Tiangco.