HIHIRANGIN na bilang susunod na pinuno ng Philippine National Police si Police Lieutenant General Camilo Cascolan.
Ito ang kinumpirma ni Secretary Eduardo Año na si Cascolan ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamuno sa PNP. Hawak ngayon ni Cascolan ang ikalawang pinakamtaas na posisyon sa puwersa ng kapulisan bilang PNP Deputy Chief for Administration.
Una nang inanunsiyo na magsisilbi siya bilang officer-in-charge kapag nagretiro ngayong araw si PNP Chief Police General Archie Gamboa.
Sa isang panayam, sinabi ni Cascolan na nais niya pa ring makita ang appointment papers, pero nagpapasalamat siya ibinigay na tiwala sa kanya ng Pangulo.
Si Cascolan ay may dalawang buwan para pangunahan ang PNP dahil aabutin niya na rin ang mandatory retirement age na 56 sa Novyembre 10.
“We need to sustain and maintain what we are doing most especially for the Joint Task Force Shield,” ani Cascolan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY