Kumamig si Carlo Von Bumina-ang ng silver medal sa Vominam men’s 65kg sa 31st SEA Games. Sapat na ang medalyang ito kahit natalo siya kay Virekkaamchhitphouthong Eh ng Cambodia, 2-7. Hinablot naman ng Cambodian ang gold medal sa event.
Ipinakita ni Bumina ang Filipino talent sa isang sport na katutubo ng Vietnam. Na kayang makipagsabayan ng Pinoy sa traditional martial arts ng host country.
Katunayan, dinaig niya ang pambato ng Vietnam na si Xuan Hieu Do, 11-10 sa semifinal. Ibinalik ng host country ang nasabing martial arts sa laro matapos ang 9 na taong pagkatengga.
Bukod kay carlo, wagi din ng medalya si Jenelyn Olsim. Sinungkit nito ang bronze medal sa 55kg women’s division noong Miyerkules.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na