MAGKAHALONG galak at hinayang ang naramdaman ng sambayanan matapos ang panalo-talong resulta ng nalalabing dalawang boksingerong Pinoy ‘in quest for gold’ sa Tokyo Olympics kahapon sa Japan.
Iwinaksi ni flyweight Carlo Paalam ang pangambang ‘hometown decision’ matapos nitong pulbusin agad ang katunggaling si Ryomei Tanaka ng host Japan sa loob ng tatlong rounds tungo sa ununimous decision victory upang umusad ang Pinoy sa gold fight bukas ng hapon kontra British finalist.
Nagpaulan agad ng sunud-sunod na kumbinasyon si Paalam sa opening round pa lamang at nilimitahan ang estilong sugod-marino ng hometown bet na si Tanaka upang pumanig agad sa scorecards kay Paalam ang mga hurado sa buwenamanong salpukan.
Sa sumunod na round ay lalong umigting ang mga suntok ni Paalam sa target at body shots habang sinisikap ng Japanese pug na makahabol sa puntos na itinambak ng pambatong Pilipinong si Paalam. Sistematikong tinibag pa ng Pinoy ang desperadong si Tanaka sa final round tungo sa one-sided na wagi upang umusad na si Paalam pasok sa bakbakan para sa ginto kontra mapanganib ding kalaban mula Great Britain.
Hindi naman pinalad na umusad para sa ginto si Eumir Marcial ng Pilipinas matapos siyang kinapos laban sa katunggaling ‘raging bull’ na si Oleksandr Kaizhniak ng Ukraine via split decision sa middle weight division.
Bagama’t mas malalakas at malinis na suntok ang pinuntos ni Marcial ay mas nangibabaw ang pagiging agresibo ng Ukrainian sa mga mata ng hurado upang maghari si Kaizniak sa madugong bakbakan habang nakuntento na lang si Eunir sa bronze medal.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!