
MULING ipinagdiinan ni Tokyo Olympics Silver medalist Carlo Paalam na naipanalo niya ang huling laban sa Paris Games.
Ginawa ni Paalam ang pahayag ilang araw matapos ang tuluyang pagkatalo at pagtatapos ng kanyang laban sa Paris Olympics.
Ayon kay Paalam, hindi niya itinaas ang kanyang kamay sa pagtatapos ng naturang laban kung hindi siya naniniwalang naipanalo niya ito.
Hindi aniya magbabago ang kanyang paniniwala ukol sa dapat sana ay resulta ng huling laban.
Kasabay nito ay nangako naman ang boksingero na gaganti siya sa 2028 Los Angeles olympics.
Maalalang natalo si Paalam kay Charlie Senior ng Australia sa quarterfinals ng 57kg men’s boxing division sa pamamagitan ng 3 – 2 split decision.
Pero bago ang pagsabak sa quarterfinals, dinomina nito ang kanyang laban kay Jude Gallagher, 5 – 0, sa Round of 16. (RON TOLENTINO)
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO