Rumesbak si Carlo Biado sa kababayang si Johann Chua sa men’s 10-ball singles. Sinargo nito ang gold medal sa nasabing eventy sa biennial meet sa Vietnam. Dinomina ni Biado ang laban sa all-Filipino final rematch matapos ang tatlong araw.
Noong una, dinaig siya ni Chua sa 9-ball finals at nasargo ang gold medal. Subalit, nakabawi ang reigning US Open Champion sa 10-ball singles. Binaon ni Biado si Chua, 8-3. Nagmintis ang huli sa one-ball kaya tinapos na ng una ang laro.
Sa pagkapanalo,nasungkit ni Biado ang third overall SEA games gold medal. Nagwagi siya sa 9-ball doubles sa Singapore noong 2015. Nasundan pa ito noong 2017 sa Malaysia (9-ball singles).
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!