Naisalba ni Dillian Whyte (28-2,19KOs’) ang kanyang career pagkatapos itala ang impressive win kay Alexander Povetkin (36-3-1, 25KO’s).
Nilikida ni Whyte ang kalaban sa fourth round ng rematch nila para sa interim WBC heavyweight match.
Napuruhan ni Whyte si Povetkin sa umpisa ng 4rth round nang patamaan ng straight right. Pagkatapos nito, isang malakas na left straight ang tumama kay Povetkin.
Ito ang dahilan kung kaya bumagsak ito sa ropes gaya ng manyikang nawalan ng balanse. Agad itng sinundan ng left hook sa sentido.
Dahil dito, bumagsak si Povetkin.Nagtangka pa itong tumayo, ngunit hindi na nakaporma pa.Kung kaya, naghagis na ng towel ang corner ng Russian boxer.
Ang panalo ng binansagang ‘The Body Snatcher’ ay masasabing career saver. Kung natalo siya, wala na siyang tsansang makalaban sa world title.
Nakaganti rin siya kay Povetkin na tumalo sa kanya sa unang laban nila. Pinigil siya ni Povetkin sa 5th round noong September 2020.
“He’s a tough guy and I had to be careful,” ani Whyte.
“But I could have finished it early. I’m ready to run it back again. I shouldn’t have lost the first time.
“From the first round, I was on to him. I’ll give him a rematch if he wants one. I don’t care. I’ll fight Povetkin again. I still believe I can be a world champion and I can beat anyone, aniya.
Balak naman ng manager ni Whyte na si Eddie Hearn na ilaban siya kay Deontey Wilder. O kaya kay Andy Ruiz Jr sa susunod nitong laban.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!