SORSOGON CITY – Itinanggi ni Aksyon Demokratiko standard bearer Isko Moreno Domagoso na paubos na ang kanyang pondo sa kampanya, at umaasang madaragdagan pa ito.
“I hope God will provide good health and hopefully resources,” saad ni Domagoso.
“Malalim man ang balon, natutuyo din ’yun,” dagdag niya.
Nang tanungin kung paubos na ang kanyang campaign funds, natawa na lang ang alkalde ng Maynila at iginiit na: “May pumapatak pa.”
Hindi naman ibinunyag ni Domagoso kung magkano ang nakolekta at ginasta para sa kanyang presidential bid.
“Hindi namin kailangan ng malalaking artista . Artistahin na si John (Catriciones), si Samira (Gutoc) artistahin din,” biro pa niya.
“Kidding aside, I’m really happy. We’re enjoying it, but don’t get us wrong, ang hirap but we are not complaining,” sabi niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA