Ipinatawag si Calvin Abueva ng Magnolia Timplados sa opisina ng PBA Commissioners Office. Ito ay dahil sa kanyang inasal sa nangyari noong ‘Manila Clasico’ noong linggo. Ang nasabing laro ay sa pagitan ng Magnolia at Ginebra kung saan nanalo ang una, 89-84.
Pumalag si Abueva sa tawag na technical foul at na-ejected sa fourth quarter. Kinuwestyon nito ang tawag ng referee sa kanya. Nangyari ito nang bumangga siya kay John Pinto, may 9:15 mark na lang sa final quarter.
Nalagay sa hot seat ni Komi Willie Marcial matapos magpost ni Calvin sa Instagram. Deleted na ang nasabing post na ito ng player na naging kontrobersyal.
“Bigyan ako ng malinis na video kung meron o wala. Kung meron man, aalis ako sa Magnolia kung mali ba ang tawag na iyon,‘ post ni Abueva na deleted na sa IG.
Naungkat din ang isyu nang kanyang pag-alis sa dug-out habang sumisigaw ng ‘ Japan, Japan. Goodbye PBA!” Dahil dito, supendido siya ng isang laro at pinagmulta ng P10,000.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!