Pagkatapos makabalik sa laro sa PBA, bumuhos ang suwerte kay Calvin Abueva. Nominated kasi ang Phoenix Super LPG star guard sa ‘Samboy Lim Sportsmanship Award’.
Isa si Abueva sa five players na pinangalanan bilang kandidato sa nominasyon. Ang parangal ay igagawad sa virtual PBA Awards Night sa Jan. 17, 2021.
Kasama rin sa nominated si reigning three-time winner Gabe Norwood ng Rain or Shine, Kevin Alas (NLEX).
Gayundin sina Barangay Ginebra San Miguel’s Scottie Thompson at CJ Perez ng Terrafirma.
Ang pakakamada ng pangalan ni Abueva sa award ay bilang pagkilala sa ikinakitang true sportsmanship.
Kahit na sinuspendi siya ng liga sa loob ng 16 buwan, naging pasensiyoso siya. Naging maigla naman siya s alaro nang makabalik sa PBA.
Napasama rin siya bilang nominee sa Best Player of the Conference award at Mythical Five selection.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo