Magkakaloob kay Caloy Yulo ang Philippine Sports Commission (PSC) ng special cash incentives. Ito’ y dahil sa kanyang impressived finish sa 2021 World Gymnastics Championship sa Kitakyushu, Japan. Kung saan ay nakasungkit siya ng gold medal.
Bibigyan ng ahensiya ng P500,000 si Yulo para sa gold medal. Na nasungkit nito sa men’s vault. P250,000 naman sa silver medal sa parallel bars.
“He has bounced back and showed us all that he is still our world champion in gymnastics,” ani PSC chairman William “Butch” Ramirez.
Kaugnay dito, hindi kabilang ang annual world championships na sinasalihan ni Yulo; sa mga kondisyon na nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ng National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2