NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagtalon mula ikatlong sa palapag ng tinutuluyan nilang bahay ang isang 22-anyos na dalagang call center agent sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Sa report ni police investigator PSSg Reysie Peñaranda kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa Brgy. San Rafael Village ng lungsod.
Lumabas sa imbestigasyon na habang nasa loob ng kanilang kuwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ang biktima, kasama ang kanyang kapatid na babae nang bigla na lamang lumabas at nagmadaling magtungo sa ikatlong palapag ang dalaga.
Sinundan siya ng kanyang kapatid at pagdating ng saksi sa ikatlong palapag ay nakita nalang niya ang biktima na tumalon na naging dahilan upang agad siyang humingi ng tulong sa kanilang barangay.
Kaagad na isinugod ang dalaga ng kanyang mga kaanak at mga opisyal na barangay sa Tondo Medical Center subalit, binawiin din siya ng buhay dakong alas-4:32 ng hapon habang nilalapatan ng lunas.
Lumagda naman sa isang waiver ang pamilya ng biktima upang igiit na hindi na sila interesado na ipagpatuloy pa ng pulisya ang imbestigasyon at upang hindi na maisailalim sa autopsiya ang bangkay ng dalaga habang inaalam pa ang dahilan ng pagpapatiwakal ng dalaga na dumaranas umano ng depresyon. (JUVY LUCERO)
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA