
PATAY si Mayor Ronaldo Aquino ng Calbayog City, Samar matapos tambangan nitong Lunes ng umaga.
Ayon sa nakamalap na impormasyon, papunta sana si Aquino sa birthday party ng kanyang anak matapos maglaro ng tennis nang sundan ng isang van ang kanyang sports utility vehicle (SUV) at walang habas na pinagbabaril.
Gumanti naman ng putok ang police escort ni Aquino sa nasabing grupo ng mga hindi pa nakikilalang lalaki na nasa loob ng van.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Aquino at nasawi habang isinusugod sa ospital.
Nasawi rin ang kanyang dalawang bodyguard na hindi pa nakikilala sa nangyaring ambush.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang kay Aquino, 58-anyos, na nasa ikatlo at huling termino bilang mayor.
More Stories
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA