Tapos na ang holiday season at bago na ang taon. Back to work na ang lahat ng larangan sa pagratsada ng 2021. Tuloy na ang ekonomiya sa pribado mang kumpanya at nang operasyon ng pamahalaan kabilang na ang Games and Amusement Board diyan.
Naparalisa ng COVID-19 pandemic ang galaw ng buhay ng sambayanan ng nagdaang 2020, ngunit sa unti-unting pagbabalik ng kabuhayan sa ‘new normal’ ay kabilang ang professional sports sa mabilis na nakatugon sa mga panuntunan at kagyat na nakabangon sa hamon ng lockdown.
At sa komprehensibong pagpapatupad ng ‘safety and health’ protocol, nakabawi ang pro sports sa gitna na pandemya at inaasahan na mas masiglang industriya ang haharapin ng GAB sa bagong taon. “With the NCAA, UAAP and other leagues expected to postpone its seasons opening, maraming atleta ang mabibinbin and the only thing to do to is continue their sporting career to turn pro.
“The professional sports community is growing and it’s a busy year as expected for GAB,” wika ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra. Matatandaang bago matapos ang 2020, nagpahayag na ng intensyon na maging pro ang pingpong (table tennis), Beach Volleyball Republic (BVR), Visayas Basketball League (VBL) at combat sports na Jeugo Todo.
“GAB is ready for the influx of applications for professional licenses starting next month. We welcome all of them,” ani pa ng dating Palawan Governor at Congressman.
Sa gitna nang paglaban ng pamahalaan sa pandemic, sumampa sa pro status ang National Basketball League, Women’s National Basketball League, Chooks-to-Go 3×3, Professional Chess Association of the Philippines at ang Premier Volleyball League (PVL) na pawang magsisimula nang kanilang season ngayong buwan.
“Sa chess pa lang we expected na more than 200 ang atleta na magpapalisensya, kaya we’re on the process of going fully online.”
Mula nang italaga ng Pangulong Duterte noong 2016, ang pagdagsa ng mga liga at organisayon para maging pro ang pinakamarami sa liderato ni Mitra. Sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at Armed Forces of the Philippines (AFP), iginiit ni Mitra na nasa proseso na rin para sa ‘renewal’ ng libreng medical, neurological at dental services para sa mga atleta.
“The year 2021 will be a very busy year for GAB. Hopefully, we will be fully online next year to make the application for pro licenses a lot easier,’’ paniyak ni Mitra. Busy to the max….ABANGAN!
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2