May 7, 2024

BUS VS MOTORSIKLO; BABAE PATAY SA TAYTAY

PATAY ang isang babae matapos masapul ng nag-overtake na bus ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Taytay, Rizal kaninang madaling araw.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng mag-asawa ang kahabaan ng Ortigas Avenue Extension sa Barangay Dolores galing Taytay Market dakong alas-4:00 ng madaling araw, nang mabangga sila ng nag-overtake na bus, na kaagad ikinasawi ng babae habang nasugatan sa kaliwang balikat ang kanyang asawa.

Nagdesisyon daw ang bus driver na mag-overtake dahil mabagal ang takbo ng motorsiklo na kanyang nasa unahan pero sa kasamaang palad nabangga niya ang motorsiklo na lulan ng mga biktima na nasa kabilang lane.


Hawak na ngayon ng pulisya ang naturang bus driver.