PINAGMULTA ang Metrolink Bus Corp. sa pamahalaang lungsod ng Valenzuela matapos na makipagpulong kay Mayor Rex Gatchalian nang makarating sa alkalde ang mga larawan ng bus ng nasabing kumpanya na bumibiyahe sa lungsod at malinaw na lumalabag sa social distancing.
Gayunpaman, binigyan pa ng isang pagkakataon ang nasabing bus company para ayusin ang pagbiyahe nito matapos na umayong parusahan ang mga lumalabag na driver at konduktor; tatanggalin ang mga sobrang upuan para makasunod sa social distancing sa lahat ng pagkakataon; at magbayad ng P462,00 multa.
Bukod dito ay nakakuha din ang kumpanya ng “warning” mula kay Gatchalian.
Bago ito, nag-post si Gatchalian sa social media na kung hindi makikipagpulong sa kanya ang may-ari ng kumpanya at driver ng nasabing bus hanggang tanghali ng Lunes ay titiyakin niyang hindi makapapasok ng Valenzuela ang mga bus ng kumpanya at kung magpipilit ang mga driver nito ay ii-impound ang mga nasabing bus.
Ayon kay Gatchalian, kuha ang nasabing larawan noong Hulyo 25, rutang Malabon-Marilao na hihinto sa Dalandanan, Valenzuela.
“ To the other bus operators don’t you dare try to do this or else you’ll suffer the same fate as Metrolink Bus…hindi dahil ang license niyo ay galing sa LTFRB eh wala na kaming magagawa sa inyo sa city hall…let’s see if makapasok pa kayo sa city namin if you do this,” banta ng alkalde.
Kaugnay nito, hinikayat ni Gatchalian ang mga Valenzuelanos na kapag may nakitang kaparis ng ginawa ng Metrolink ay kunan ito ng litrato, at ipadala sa kanya kasama ng ruta, pangalan ng kumpanya ng bus, at oras at petsa kung kailan ito kinunan.
“Please take pictures and send to me bus violations on social distancing. Help us police them. Ako bahala sa kanila. You be my eyes and ears. Help us keep our city safe,” ani Gatchalian.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?