November 5, 2024

Bureau of Corrections, nakapagpalaya ng Muslim PDLs sa panahon ng Ramadan

Apatnapo’t anim (46) na Muslim na napipiit sa mga piitan ng Bureau of Corrections o BuCor ang pinalaya mula nang mag-umpisa ang buwan ng Ramadan noong Marso a-diez

Inihayag din ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang  na may 23 Muslim PDLs pa ang nirekomenda ng Board of Pardons and Parole na mapagkalooban ng executive clemency ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa 46 na Muslim PDLs na pinalaya, 20 ay lampas na sa bilang ng taon ng dapat na pagkakulong; 12 ay pinawalang-sala; 5 ay batay sa Republic Act 10592/turn over o Good Conduct Time Allowance; 5 ay probation at apat (4)  ginawaran ng parole.

Ginawa  Gen. Catapang, ang pahayag sa pagbisita ni Presidential Adviser on Muslim Affairs, Almarin Centi Tilla na nagtatanong sa kalagayan ng mga Muslim PDLs sa iba’t ibang prisons and penal farms ng kawanihan.

Dinagdag din ni Catapang na katulad ng ibang napipiit, pinapayagan ang Muslims PDLs na gawin ang kanilang pananampalataya sa loob ng piitan. Sa record ng BuCor, may kabuuang 754 Muslim PDLs ang napalaya mula nang manungkulan si Pangulong Marcos Jr.