November 23, 2024

BULLY NA TITSER, LAGOT SA DEPED (Estudyante pinahiya, tinawag na bobo)

PINAIIMBESTIGAHAN na ng Department of Education o DepEd ang napabalitang pambu-bully ny isang public school teacher sa kanyang estudyante sa unang araw ng face-to-face classes.

Sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na inatasan na ang school head ng nasabing eskuwelahan na maghain ng incident report sa kanilang regional director sa loob ng 72-oras mula nang mangyari ang insidente.

Sa kanyang Facebook post noong Agosto 22, sinabi ni Jeannue Vargas na pinahiya ng nasabing guro ang kanyang 10-years old na pamangken, sinabihan pang bobo dahil mabagal magsulat.

Nalaman din kay Poa na nakipagkita at kinausap na ng mga opisyal ng school division office ang mga magulang ng biktima noong Agosto 23 at pinaliwanag sa kanila kung ano ang mga gagawing hakbang laban sa nasabing guro.

Nagbigay na rin ng psychological intervention ang DepEd sa nabanggit na mag-aaral na na-trauma sa insidente. Sinabi  ni Poa na mahaharap sa kaaong adminiatratibo ang nasabing guro batay sa mga alituntunin ng ahensiya lalo na at sineseryoso ng kagawaran ang mga nasabing pangyayari.