Nag-aalburoto ang bulkang Kanlaon sa Negros Island na nagtala ng sunod-sunod na paglindol. Ayon sa ulat, patuloy ang pag-aalburuto nito. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala nila ang 18 na pagyanig sa loob ng 24 oras.
“These included four very shallow tornillo signals that are associated with magmatic gas movement, along fractures within the upper volcanic slopes,” ani ng Phivolcs.
Bukod dito, nakapagtala rin ang PhiVolcs ng ‘very weak to moderate’ na degassing activity sa crater ng bulkan. Gayundin ang pagbuga ng 200 metrong usok noong Enero 16. Sa ngayon ay isinailalim ng lugar sa Alert Level 1.
Binalaan din ng ahensiya ang publiko na maging handa dahil sa abnormal pa rin ang wisyo ng bulkan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA