December 24, 2024

BULATE NA KUMAKAIN NG BATO

Ang mga shipworm o tinatawag sa ating ” Tamilok” ay karaniwang kayang kumain ng kahoy. Kaya naman, madalas silang nakikitang sumisiksik sa kahoy at inu-unti-unti itong kainin.

Noong mga panahon na naglalayag sa karagatan ang mga barkong yari sa kahoy, ang mga nasabing bulate na nabibilang sa water-dwelling bivalve mollusks ang siyang problema ng mga taga-gawa ng barko at ng mga naglalayag— dahil sa mabubutas ang mga gilid at mga pundasyon ng barko. Kaya, walang kamalay-malay noon ang mga naglalayag na may butas na pala ang kanilang barkong kinalululanan at napapasukan na ng tubig.

Halimbawa na lamang sa insidente nang nangyari noong ikaapat na  paglalayag ni Christopher Columbus sa Carribean noong 1500 dantaon— na nabiktima ng pesteng shipworm.

Maging ang mga pundasyong kahoy sa mga pier ay napinsala rin ng mga pesteng ito. Gayunman, ang mga nilalang na ito na may malalaking flat na ngipin ay may kakaibang uri. Sa bagong tuklas ng mga siyentipiko, ang uri ng shipworm na iba ang hilig kainin sa halip na tabla. Kundi bato. Katunayan, may ilang uri nito na nakita sa loob ng bato, kung saan ay lumilikha sila ng lagusan. Ang uri ng shipworm nito ay kulay puti na tila transparent.