May 18, 2024

‘Build Build Build’ chairwoman positibo sa COVID-19

KINUMPIRMA ni “Build Build Build” committee Chairperson Anna Mae Lamentillo na nagpositibo ito sa COVID-19 test.

Matatandaang kasama si Lamentillo sa mga lakad ni Public Works Sec. Mark Villar, na una na ring nagpositibo sa coronavirus kamakalawa.

Ayon sa opisyal, ngayong araw lang niya natanggap ang resulta ng swab test na isinagawa noong Hulyo 16, 2020.

Sa ngayon nagsasagawa na ng contact tracing sa iba pang opisyal at tauhan ng DPWH at “Build Build Build” committee, para maagapan ang iba pang posibleng nahawa ng naturang sakit.

Sasailalim din sa quarantine ang iba pang nagkaroon ng close contact kina Villar at Lamentillo.