ANG larangan ng table tennis (ping pong)ay tunay na isa sa mga popular na sports lalo dito sa kontinente ng Asia partikular na sa mga singkit.
Ito ay game of precision at diskarte na swak din sa mga Pilipino.
Sadyang matindi ang kumpetisyon dito kaya nang maging pangulo ng pingpong si PTTF president Ting Ledesma ay sinikap nitong maging competitive ang mga Pinoy kapongers sa international na eksena.Unti – unti ay nakakahbol na ang Pinoy sa level ng kumpetisyon pruweba dito ang na-produce nang Olympian at junior Olympian at hoping pa para sa Tokyo Olympics ngayong 2021 sa kanyang timon.
Tadhana ang pinakadakilang dahilan sa mga pinagdaanan ng dating manlalaro na ngayon ay isa nang dakilang pinuno ng sports sa bansa.
Ang naging national table tennis player na si Ting ang siyang Pangulo ng kasalukuyang Philippine Table Tennis Federation, Inc. (PTTFI).
Noong kabataan ni Ting (Ledesma) ay naglalaro na ito ng tables tennis bilang libangan na kalaunan ay naging kanya nang kabuhayan sa lalawigan ng Iloilo na kanyang pinanggalingan.
” I played ping-pong and sometimes a got little money after beating my opponents in a friendly game” kwento ni Ledesma. “From these, my passion in this sport grow stronger and also gained lot of friends,”
Nang maka-graduate ng kolehiyo si Ting,kasama ang kapatid at kanyang ina ay nakipagsapalaran sila ng negosyo sa Maynila.
Sa una ay mahirap pero sa kalaunan ay naging tagumpay ang kanilang negosyong buy and sell, fruit business at LPG (Lquidfied Petroleum Gas).
Bagama’t namamayagpag na sa larangan ng table tennis si Ledesma ay hinanap muna nito ang pagpapaunlad ng kanilang negosyo hanggang sa magkaroon na siya ng sariling planta ng LPG at dumami ang kanyang trabahador at delivery vehicles katuwang ang kapatid na babae sa management and operation.
Taong 2005 ay nagbalik si Ledesma sa national team at lumahok sa iba’t ibang torneo sa local at ibayong dagat.
Noong 2009 ay inorganisa ng naturang Fil.Chinese businessman/ sportsman na si Ting ang 1st Metropolitan Table Tennis Association (METTA Cup) na nilahukan ng mga iba’t-ibang age-groupers at senior ping-pongers nationwide na naging annual event kada- summer.
“It was only for the love of table tennis that’s why I organized METTA CUP. It was very successful,” wika ni Ledesma na nagdaraos din ng table tennis clinics at namamahagi ng pingpong equipments tuwing kanyang libreng oras.
Dahil dito ay naging isa sa stakeholders si Ting sa ping-pong na naging daan upang maging board of trustee ng TATAPhil tungo sa pagiging pangulo ng naturang NSA.
“I never expected to become president or even a board of trustee.It’s just happened maybe it’s God’s will,” ani Ledesma.
Sa kanyang mga komprehensibong programa bilang lider ng national sport association na mas kilalang PTTFI ngayon na suportado ng International Table Tennis Federation (ITTF) at Philippine Sports Commission (PSC) ay nag-concentrate siya sa grassroot level upang lumawig pa ang talent search ng kanyang programa.
“It is my duty to promote the sport and share it with the youth.”
Bagamat suportado ng PSC di ito sapat sa kanyang long vision na programa kaya sa pamamagitan ng sariling bulsa at ayuda ng sponsors mula sa sports- loving Filipino-Chinese community ay lumawig ang pag-diskubre ng talento mula grassroot patungong elite at tampok dito ang pagkakaroon ng Pinoy table tennis Olympian at Youth Olympian.
“Nag-invest kami sa youth dahil sila ang future,” ani Ledesma na optimistikong aangat ang Pilipinas sa larangang dominado pa rin ng Chinese ping-pongers sa mundo.
Sa kanyang liderato ay dumami ang pool ng players na potensiyal maging national athetes at sa tulong ng kanilang hired foreign coach ay lalo pang mahahasa ang galing ng mga Pinoy ping-pongers kaya mas naging competitive sa abroad.Against all odds ay go lang si ‘Hotponger’ Ledesma sa kanyang programa bilang lider ng PTTFI.
Tunay na si ‘Hotponger ‘ ang ‘the best TING’ that ever happened to PH tables tennis leadership. Patungong Doha Qatar ang mga pambatong pingpongers ng bansa para sa Tokyo Olympics qualifying at optimistiko si ‘Hotponger’ Ledesma na may Pinoy na pipitas ng tiket para sabest show on earth na Olympics… ABANGAN!
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino