
NAGPOSITIBO sa coronavirus disease (COVID-19) si Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag.
“The swab test was done on Tuesday and the result just came out today. He has since been quarantined with mild symptoms,” ayon sa pahayag ng the BuCor.
Kasunod ng anunsiyo, pinayuhan ng BuCor ang lahat ng kanilang tauhan, staff at iba pa na nakasalamuha ni Chaclag noong nakaraang linggo na bumisita sa Directorate for Health Services (DHS) at magpa-swab test.
“This is also to inform other stakeholders, partners from the media and NGOs who might have been exposed to seek immediate medical advice,” dagdag pa nito.
Samantala, nagpa-swab test na rin si BuCor Director General Gerald Bantag matapos magpositibo sa COVID-10 ang kanyang dalawang staff. Lalabas ang COVID-19 test ni Bantag sa Lunes.
More Stories
ISKO, SV, IBA PANG KANDIDATO, PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC SA UMANO’Y VOTE BUYING
DZRH Reporter sa Baguio, Binantaan umano ng Mayor ng Abra
Lalaki sa Antipolo binaril sa ulo, tigok