Wala man sa kondisyon si Giannis Antetokuonmpo, bumida naman si Khris Middleton sa panalo ng Milwaukee Bucks. Sinuwag ng Bucks ang Miami Heat, 118-115 sa overtime.
Kaya naman, hindi nawalis ng Heat ang Bucks sa Eastern Conference semis dahil sa big win sa Game 4.
Iniinda ni Giannis ang sprained right angkle nito kaya alalay lang sa laro. Bumuslo ng 36 points, 8 bords at 8 assist.
Nag-ambag naman si Giannis ng 19 points, 4 boards at 1steals. Umasiste naman si Eric Bledsoe ng 14 points, 10 rebounds at 6 assists.
Malaking bagay ang ginawang tres ni Middlestone upang lumamang ng 4 ang Bucks, mula 113-112,-116-112 sa OT.
Samantala, kumamada naman sa Heat si Bam Debayo ng 26 points, 12 boards at 8 assists. Nag-ambag naman si Duncan Robinson ng 20 Points, 5 boards at 3 assists.
“We all fought,” ani Middleton.
“Especially with Giannis going down the way he did. He came out and tried to fight for us with a bad ankle. We wanted to have his back and just fight for him and fight for everybody,’aniya.
Narito ang full stats ng Bucks-Heat sa Game 4
MIL:Khris Middleton: 36 Pts. 8 Rebs. 8 Asts. 2 Stls. Giannis Antetokounmpo: 19 Pts. 4 Rebs. 1 Stls. 1 Blks. Eric Bledsoe: 14 Pts. 10 Rebs. 6 Asts. 1 Blks. Brook Lopez: 14 Pts. 5 Rebs. 2 Asts. 1 Stls. 1 Blks. George Hill: 12 Pts. 5 Rebs. 3 Asts. 1 Stls.
MIA:Bam Adebayo: 26 Pts. 12 Rebs. 8 Asts. 1 Stls. Duncan Robinson: 20 Pts. 5 Rebs. 3 Asts. 1 Stls. Jae Crowder: 18 Pts. 5 Rebs. 3 Asts. 1 Blks. Goran Dragic: 17 Pts. 4 Rebs. 8 Asts. 1 Stls.Jimmy Butler: 17 Pts. 5 Rebs. 2 Asts. 2 Stls.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2