Aprubado sa Games and Amusements Board (GAB) ang double rekwest ng Creamline Cool Smashers at Choco Mucho na makapagdaos ng bubble training.
Ang training ay balak isagawa sa St. Paul American School sa Clark Freeport Zone, Pampanga.
Batay sa nakasaad sa sulat, inirekwest ng 2 teams sa GAB ang bubble training bilang preparasyon sa upcoming PVL league. Na nakatakdang simulant sa irst week ng July.
“Considering the alarming spike in the number of Covid-19 cases, I am happy to learn that two teams of PVL have decided to stage their conditioning inside a bubble. This move is really an added safety measure,”pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.
Naantala ang pagsisimula ng PVL dahil sa restrictions na ipinatupad sa NCR plus. Sapol ang ipatupad ang ECQ at MECQ.
“We gave them the initial approval to conduct conditioning in some areas in Metro Manila last March. But in order to ensure the safety of our professional athletes and sports officials, we decided to recall our initial approval,” sambit ni Mitra.
Sinabi ng GAB pwede nang simulan ng team ang training sa April 27.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo