Nakatakdang i-deploy ngayong hapon ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kauna-unahan nitong misyon ang pinakabago at pinakamalaki nitong barko na BRP Teresa Magbanua.
Ayon sa PCG, lalahok ang multi-role response vessel (MRRV) sa Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022 sa pagitan ng PCG, Directorate of Sea Transportation (DGST) ng Indonesia, at Japan Coast Guard (JCG) sa Makassar, Indonesia mula May 22 hanggang 29, 2022.
Bukod sa BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701), kasama rin sa MARPOLEX 2022 ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Malapascua (MRRV-4403) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411).
Ang mga nasabing PCG vessels ay lalahok sa pag-assess sa oil spill response capabilities ng Pilipinas, Indonesia, at Japan.
Partikular na sa pag-test at evaluate sa pagiging epektibo ng Sulawesi Sea Oil Spill Response Network Plan at ng kasalukuyang procedures ng Oil Spill Recovery and Response Capability ng Indonesia at Pilipinas. (FELIX LABAN)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA