NAKORNER ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang British national na sangkot sa sex-related crimes.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansigco, naharang ng Border Control and Intelligence Unit (BCIU) sa pamumuno ni Dennis Alcedo ang nasabing dayuhan na si Willam Hughes, 79, na tinangkang umalis patungong Doha, Qatar.
Ayon kay Alcedo, dumating sa bansa si Hughes noong Mayo 16 bilang turista hanggang sa makatanggap ang BI ng impormasyon mula sa United Kingdom National Crime Agency, para ipagbigay-alam na si Hughes ay sangkot at nahatulan sa krimen ng prostitusyon ng isang 13-anyos hanggang 17-anyos.
Nabatid din na si Hughes ay inilagay ng UK bilang ‘Sex Offenders’ register for life.
“Sex offenders who might prey on our children are not welcome in the Philippines. These illegal aliens do not deserve our country’s hospitality, and will be sent out and blacklisted,” ayon kay Tansingco. Kasalukuyang nakadetine sa BI jail facility sa Bicutan, Taguig ang dayuhan habang inihahanda ang resolusyon para sa pagpapatapon dito pabalik ng bansa nito. ARSENIO TAN
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW