
HINDI pinapasok sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang British sex offender makaraang maharang sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ito noong Valentine’s day, Pebrero 14.
Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang Briton na si si Mark Andrew Bowman, 54-anyos, na sakay ng Singapore Airlines mula sa Singapore na planong pumasok ng bansa at manatili sa Brgy. Basak, Lapu-Lapy City ng halos isang buwan.
Nang maberipika ito ng BI may record ito ng pagkakakulong sa ilalim ng seksyon 29(A)3 at dating na-convict dahil sa kalaswaan kung saan ang biktima ay isang sampung-taong gulang na bata.
“Pinupuri namin ang mabilis at desididong aksyon ng aming mga opisyal sa imigrasyon sa MCIA sa pag-intercept sa sexual predator na ito, at nananatili kaming matibay sa aming pangako na tiyakin ang integridad ng ating mga hangganan,” sabi ni Tansingco.
Agad na ipinagbuklod si Bowman sa susunod na available flight pabalik sa kanyang bansa ng pinagmulan.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
QC Todo na sa Kalikasan! Fashion Show, Tree Giveaway at Plastic Ban, Tampok sa Earth Day 2025
REBELDE NA NANUNOG NG SIMBAHAN SA ILIGAN, ARETADO SA BUKIDNON