TINAWAG ni Education Secretary Leonor Briones na peke ang viral na larawan ng mga guro habang nasa bubong ng paaralan upang sumaganap ng internet connection.
Ayon kay Briones sa isang interview sa One News noong Biyernes, nagtataka raw kasi siya kung bakit maayos ang pakaka-upo ng mga guro sa bubong kaya hindi nito naiwasang pagdudahan ang mga larawan.
Ang tinutukoy ng opisyal ng Department of Education (DepED) ay ang mga guro mula sa Sto. Niño National High School sa lalawigan ng Batangas, na nagpakuha ng larawan upang makita ng publiko kung gaano kahirap para sa mga guro ang humanap ng signal upang turuan ang kanilang mga estudyante sa pagbubukas ng school year.
“Then on the day of school itself, there are mga fake photos na lumabas, hindi naman sa inyo, na klarong naka-pose para galing sa chorus line, na sabay-sabay nagre-raise ng mga kamay, nagtitingin sa camera, fully made-up,” saad ni Briones sa ‘The Chiefs’ ng One News.
Sinabi pa niya na imposible na mahirap na sumagap ng cellphone signal sa nasabing lugar dahil maraming cell sites na itinayo sa paligid ng paaralan.
“And also in that town, ang daming cell sites. Ang daming malalaking cell sites. Kasi sabi walang ano, connectivity. Kung walang connectivity paano napadala ‘yong mga photos na ‘yon?” tanong niya.
“At saka kitang-kita naman na parang chorus line,” dagdag pa niya.
Mababatid na kabi-kabilang reklamo ang natanggap ng education sector sa unang araw ng pagpapatupad ng blended learning ngayong taon bunsod pa rin ng coronavirus pandemic.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA