DUMALO at nagsilbing keynote speaker si Brian Poe-Llamanzares sa Western Visayas Regional Athletic Association Meet.
“I feel so at home here. After all, Senator Grace Poe is from Iloilo and my lola, Susan Roces, is from Bacolod,” saad niya.
Inimbitahan si Poe-Llamanzares ng Department of Education dahil sa kanyang husay para palawakin ang sports industry at pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan sa pamamagitan ng scholarships at iba pang programa sa ilalim ng FPJ Panday Bayanihan Foundation.
Sa kanyang talumpati, binigyang diin nito ang kahalagahan ng sports sa development ng mga mag-aaral na Pinoy.
“What’s beautiful about sports are the values we see in our athletes, discipline, and dedication — two things that are important in sports but even more so in life,” saad niya.
Ipinaliwanag niya na naniniwala siya na ang sports ay maaring maging isang paraan upang hubugin ang future leaders ng bansa, kung saan inihalibawa nito sina Hidilyn Diaz at Manny Pacquiao na nagbigay ng karangalan sa bansa.
Ipinaliwanag pa niya kung gaano niya naiintidihan ang frustrations sa sports community, kaya’t inisponsoran ng FPJ Panday Bayanihan Foundation ang UP Cebu Basketball team at maraming MMA fighters.
Nag-invest din siya sa Ang Liga, ang largest collegiate football league sa bansa, at 7s football league.
Sa pamamagitan ng tulong ng kanyang matalik na kaibigan na si Mark Patron, sinuportahan din ni Poe-Llamanzares ang FPJ Cup, isang grassroots basketball league sa Batangas. Ipinaliwanag niya na nilikha itong liga upang hikayatin ang mga kabataan sa grassroots level na manatiling aktibo.
“We need to increase the number of sports programs. Aside from the initiatives of FPJ Panday Bayanihan Foundation, we also rely on our friends in government to increase the number of opportunities for student-athletes,” saad niya. RON TOLENTINO
More Stories
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan
Global Day of Action laban sa climate change