HINDI na kailangan pang humanap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (BSP) kung sakaling wala pa silang mahanap para maging coach ng Gilas Pilipinas.
Interesado kasi maging head coach ng Gilas Pilipinas itong Australian national team coach na si Brian Goorjian.
Dagdag pa ng Australian coach na bukas ito sa pag-coach ng Gilas kapag natapos na ang coaching contract niya sa Australian national basketball team ng hanggang Paris Olympics sa buwan ng Hulyo.
“I am very open to it (Gilas job),” saad ng 70-year old former Melbourne Tigers star nang tanungin kung handa siyang maging Gilas coach.
“I am finished in Australia after the Olympics. I am done. I love the Philippines, that’s why I am here,” dagdag pa niya.
Una nakilala ng Filipino basketball fans ang Australian coach nang magkalaro ang Bay Area Dragons sa PBA noong nakaraang taon. Ibinahagi rin niya napamahal sa kanya ang passion ng mga Pinoy pagdating sa basketball kaya mas minahal niya ang ating bansa.
“I love the passion (of basketball here in the Philippines). I didn’t have a better year in the history of my coaching career than I did in my one year of coaching in the PBA and I absolutely loved it,” ani Goorjian. RON TOLENTINO
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan