KINUMPIRMA ng isang eksperto na ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng breast cancer sa buong Asya.
Ang pahayag ni Dr. Manuel Francisco Roxas, ang chairman ng Philippine College of Surgeons sa Kapihan sa Manila Bay ay may kaugnayan sa World Cancer Awareness Month ngayong Pebrero.
Sinabi ni Dr. Roxas na sa siyam na Filipina, isa ang nagtataglay ng breast cancer.
Ayon pa kay Dr. Roxas, medical director ng bagong bukas na Healthway Cancer Care Hospital sa Ayala, Alabang, ang kauna-unahang cancer hospital sa bansa, ang cancer ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.
Kinumpirma rin ni Dr. Roxas na ang pinakamalaking kadahilanan ng sakit na cancer sa Pilipinas ay ang ‘aging’ o pagtanda.
Ayon kay Dr. Roxas, base sa global data noong 2015, nakitaan ng 80 percent nang pagtaas ng insidente ng cancer dahil sa pagtanda ng pupulasyon.
Kahit aniya healthy at nag-e-exercise basta tumatanda, tumataas ang chance na magka-cancer, 85 percent dahil sa aging, 5 percent dahil sa genetic factor na nakukuha kapag bata-bata pa.
Binanggit pa ni Dr. Roxas na bukod sa pagtanda ay nakukuha rin ang sakit na cancer sa paninigarilyo, pag-inom ng alcohol, sedentary o laging nakaupo. Ngayong cancer awareness month, magsasagawa aniya sila ng mga aktibidad patungkol sa cancer prevention.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
NON-COMPLIANT ONLINE STORES IPA-‘PADLOCK’ NG BIR
PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG