Nadagdagan pa nang halos 1,400 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (July 9), umabot na sa 51,754 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 37,627 ang aktibong kaso.
Sinabi nito na 1,395 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 1,184 ang “fresh cases” habang 211 ang “late cases.”
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, nanatili sa 1,314 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa kay Vergeire, 225 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 12,813 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA