Nadagdagan pa nang mahigit 1,300 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (July 11), umabot na sa 54,222 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 38,813 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,387 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 918 ang “fresh cases” habang 469 ang “late cases.”
Nasa 12 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, nanatili sa 1,372 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 807 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 14,037 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?