
Angat ang Brazil, Canada at Italy sa pagkamig ng panalo sa FIVB Volleyball Women’s Nations League (VNL) 2022 Week 1 Round 1 sa Shreveport Bossier City sa Louisiana, USA.
Pinadapa ng Brazil ang Poland sa 3 sets, 25- 23, 25-21, 25-22. Bumida sa panalo ng Brazil si Ana Carolina sa Silva na nagtala ng 7 kill blocks. Kasama na rin dito ang 3 aces.
Ganito rin ang ginawa ng Canada sa Dominican Republic sa 3 sets, 25-18, 25-15, 25-18.
Nakalusot naman ang Italy sa 4 sets kontra Belgium, 21-25, 25-19, 25-23, 25- 20. Ang Brazil ang nasa No.1 seed na may 2-0 record at nasa No.9 seed naman ang Poland (1-1).
Nasa No. 8 seed naman ang Canada na may 1-1. Habang ang Dominican Republic ay nasa No. 15 seed na may 0-2 record. Nakapuwesto naman sa No. 10 seed ang Italy na may 1-1 record. Samantalang ang Belgium ay nasa No. 14 seed na may 0-2 record.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT